Mga Pangalawang Account

mag-browse

Ang FTX ay may makapangyarihan, malinis na sistemang pangalawang account na nagbibigay-daan sa iyong paghiwalayin at pamahalaan ang iyong mga posisyon.

 

Ano ang Mga Pangalawang Account?

Ang mga pangalawang account ay hiwalay sa iyong pangunahing account. Ang bawat pangalawang account sa FTX ay may mga independiyenteng balanse, margin, at mga posisyon, at maaaring mag-trade nang hiwalay. Ang mga pangalawang account ay kapaki-pakinabang para sa paghihiwalay ng mga posisyon, margin, o pag-akses.

 

Pamamahala ng mga Pangalawang acount

Maaari kang lumikha, magtanggal, at magpabago ng mga pangalawang account sa ftx.com/subaccounts. Maaari ka ring maglipat ng mga pondo sa pagitan ng iyong mga pangalawang account kaagad.

mceclip0.png

Tandaan:

  • Kung gagawa ka ng pag-withdraw mula sa iyong wallet patungo sa anumang iba pang FTX account - kasama ang isa sa iyong iba pang mga pangalawang account - agad ito ay ipoproseso sa labas ng chain at walang TXID/hash na mabubuo.
  • Ang mga adres ng wallet at talaan/tag ay natatangi sa pangalawang account. Mangyaring tiyakin na ginagamit mo ang tamang wallet adres at talaan/tag kapag nagpapadala ng mga pondo sa iyong wallet.

Akses sa API

Maaari kang lumikha ng mga API key sa iyong profile na pahina (ftx.com/profile > API) at tukuyin kung naaangkop ang mga ito sa iyong buong account o sa aktibong pangalawang account lang.

mceclip0.png

 

Mga Pinasadyang Login sa Pangalawang Account:

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga pinasadyang login na lumikha ng isang username/password na kombo na may akses sa alinman sa iyong buong account o isang partikular na pangalawang account lamang; maaari mo ring tukuyin ang antas ng mga pahintulot na mayroon ito.

Upang lumikha ng pangalawang account na login pumunta sa ftx.com/profile at i-klik ang panel ng ‘Logins’ sa ilalim ng ‘Account Security’.

Dito ay maaari kang lumikha ng ‘Login na Pangalan’ at ‘Password’ ng pangalawang account na login. Magagawa mo ring piliin kung sa aling pangalawang account may akses ang login. Ang mga opsyon sa puting kahon ay ang mga antas ng pahintulot ng pangalawang account:

  • ‘Mababasa-lamang’ Ang pagbukas nito ay nangangahulugan na ang taong gumagamit ng login ng pangalawang account na ito ay hindi makakapagsagawa ng anuman sa plataporma at mayroon lamang pahintulot na magbasa.

  • ‘Maaaring Mag-withdraw’ Ang pagbukas nito ay nangangahulugan na ang taong gumagamit ng login ng pangalwang account na ito ay makakapag-withdraw ng mga pondo mula sa pangalwang account.

mceclip1.png

Pakitandaan: Kung ang ginawang login ng pangalawang account ay HINDI ‘mababasa lamang’ sa unang pagkakataon na ginamit ito sa pag-login ng pangunahing account, kakailanganin ang 2FA code. Sa sandaling naka-login ang gumagamit ay magkakaroon ng kakayahang baguhin ang 2FA para sa login ng pangalawang account na iyon ngunit mangangailangan ng 2FA muli upang baguhin ito.

 

Paglipat sa Pagitan ng Mga Pangalawang Account

Maaari kang agarang maglipat sa pagitan ng mga pangalawang account. Ang pinakamabilis na paraan ay ang paggamit ng bar sa lahat ng pahina ng merkado:

mceclip2.png

Gamit ang mga pindutan sa puting kahon maaari kang:

  1. Lumikha ng mga pangalawang account
  2. Maglipat ng Balanse (sa pagitan ng mga pangalawang account)
  3. Muling ayusin ang mga pangalawang account

Maaari ka ring lumipat sa pagitan ng mga pangalawang account gamit ang drop-down na menu sa kanang sulok sa itaas ng screen.

 

Mga pondo:

Kapag gumagamit ng pangalawang account, maaari ka lamang mag-trade gamit ang mga pondong inilipat dito. Nangangahulugan iyon na maaari ka lamang mag-trade sa mga spot market o magpalit gamit ang mga pondo sa pangalawang account, at ang panggarantiya na iyong ipapaskil para sa mga futures na kalakalan ay limitado rin sa pangalawang account na iyon.

 

Mga Liquidation [Pagbenta ng mga ari-arian para sa pera]:

Katulad nito, kung ma-liquidate ka sa isang pangalawang account, maaari mo lang mawala ang anumang panggarantiya na iniimbak mo sa pangalawang account na iyon. Ang mga kinakailangan sa margin ay partikular sa pangalawang account din; anumang limitasyon sa paggamit ng account na itinakda mo sa https://ftx.com/profile ay malalapat lamang sa pangalawang account na iyon.

 

FTT:

Para sa diskwento sa bayarin na ibinigay sa pamamagitan ng paghawak ng FTT, kinukuha namin ang kabuuan ng FTT na hawak sa lahat ng mga pangalawang account. Para sa mga airdrop, isinasaalang-alang namin ang kabuuan na hawak sa partikular na pangalawang account.

 

Pagtingin sa mga Ari-arian

Maaari mong tingnan ang mga balanse para sa kasalukuyang pangalawang account sa iyong pahina ng wallet. Maaari mong tingnan ang pinagsamang balanse sa pamamagitan ng pag-klik sa Mangyaring Tingnan ang Lahat ng mga Balanse.

mceclip3.png

Katulad nito, maaari mong tingnan ang mga posisyon ng iyong kasalukuyang pangalawang account sa iyong mga posisyon na tab o maaari kang magpalipat-lipat sa halip na ipakita ang lahat ng mga pangalawang account.

mceclip4.png

 

Mobile

Upang pamahalaan at lumipat sa pagitan ng mga pangalawang account sa FTX Pro mobile app, mag-klik sa tab na ‘User’ at maglayag sa pamagat na “Mga Subaccount.”

 

__________________________________________

Nakaraan
Susunod
360043498812
Hindi mo ba nakita kung anong hinahanap mo?
Create a support ticket
Komunidad

Nakakatulong ba ang artikulong ito?

1 sa 1 ang nagsabing nakakatulong ito