Paano lumahok sa IndiGG Sale

mag-browse

mceclip1.png

ANG INDIGG Sale AT $INDI AY HINDI INAALOK SA ESTADOS UNIDOS O SA SINUMANG TAO SA U.S. KUNG IKAW AY MATATAGPUAN SA, INKORPORADA O KAYA’Y ITINATAG SA, O ISANG RESIDENTE NG ESTADOS UNIDOS NG AMERIKA, HINDI KA PINAHIHINTULUTANG SUMALI SA INDIGG Sale O BUMILI NG ANUMANG MGA INDI TOKEN.

 

Maghanda para sa Sale

Maglaan ng ilang sandali upang maging pamilyar sa IndiGG (mag-scroll sa ibaba ng artikulong ito).

Tandaan: Ang sinumang gumagamit na hindi nakataya ng 150 FTT bago ang ala 1:00 ng hapon UTC, sa ika-7 ng Marso ay HINDI papayagang lumahok sa Sale na ito. Bukod pa rito, HINDI papayagang lumahok sa Sale na ito ang sinumang gumagamit na hindi pa naaprubahan sa kahit KYC antas 2 man lang.

 

Mga detalye at gabay: https://ftx.com/indigg-ieo 

 

Upang makapagtaya sa panahon ng Sale, siguraduhing nabasa mo ang mga panuntunan sa ibaba at gawin muna ang sumusunod:
  1. Irehistro ang iyong FTX account at isumite ang KYC antas 2. Dahil sa malaking pag-agos ng mga bagong nagpapalista, anumang account na nagpalista lagpas ng ala 1:00 ng hapon UTC sa ika-1 ng Marso 2022 ay hindi magagarantiyang makapasok sa Sale.
  2. Walang garantiya ng iyong karapatang lumahok sa Sale o tumanggap ng anumang alokasyon.
  3. Magtakda ng alarma nang maaga: magsisimula ang Sale ng ala 1:00 ng hapon UTC, ika-8 ng Marso.
  4. Maghanda ng mga pondo upang magtaya: hindi bababa sa 350 USD(T), at hindi hihigit sa 400 USD(T) at 5 FTT bawat tiket
  5. Magkakaroon ka ng isang oras upang magtaya: sa pagitan ng ala 1:00 ng hapon UTC, sa ika-8 ng Marso at alas 2:00 ng hapon UTC, sa ika-8 ng Marso.
  6. Bumili/Tumaya ng FTT para i-lock in ang iyong karagdagang pamamahagi ng tiket 24 oras bago ang Sale. Ibig sabihin bago ang ala 1:00 ng hapon UTC, sa ika-7 ng Marso.
  7. Maghintay ng mga Resulta
  • Mayroong 3000 tinatanggap na mga tiket, bawat tiket ay 4,000 INDI. Sa alas 2:00 ng hapon UTC, ipapa-raffle namin ang mga alokasyon. Ang pinakamababang taya ay $350 at ang pinakamataas na taya ay $400 + 5 FTT ($0.1 bawat INDI + 5 FTT). Pupunta sila sa pinakamataas na mga bidder; sakaling mayroong higit sa 3,000 na mga tiket bawat tinaya ng US $400 bawat tiket + 5 FTT, sapalaran kaming maglalaan sa pagitan ng mga ito. 
  • Sa loob ng ilang oras ng pagtukoy sa mga alokasyon, ang mga trade ay magpi-print sa mga pangalawang account ng nanalong mamimili, at makakapaglipat sila ng (hindi INDI) mga pondo mula sa pangalawang account ng INDI-IEO.
    • Kung hindi ka nanalo, ibabalik ang iyong mga pondo
    • Kung nagtaya ka ng FTT ngunit nanalo sana sa auction nang wala ito, ibabalik ang FTT
    • Ang lahat ng FTT na binayaran ay ipapadala sa wallet

 

Mga Panuntunan para sa Pagtataya 

Ang bawat tiket na itinaya, kung mapunan, ay magreresulta sa isang pag-trade: babayaran mo ang iyong presyo ng taya at makakatanggap ng 4,000 INDI na mga token. Maaari mong ilagay ang bilang ng mga tiket na nais mong isumite. Ang bawat tiket ay isang karagdagang entry para sa isa pang 4,000 INDI token; ayon sa teorya mga iilan ang maaaring mapunan.

  • Ang sinumang gumagamit na kwalipikado para sa Sale (naaprubahan ang account sa kahit KYC antas 2 man lang at may 150 FTT na nakataya) ay makakatanggap ng 1 tiket. Maaari kang bumili ng karagdagang mga tiket batay sa karagdagang FTT na nakataya sa itaas ng pinakamababang kinakailangan sa pagtataya

FTT na nakataya bago ang ala 1:00 ng hapon UTC, sa ika-7 ng Marso 2022

  • ≥ 150: 1 tiket
  • ≥ 290: 2 tiket
  • ≥ 420: 3 tiket
  • ≥ 540: 4 tiket
  • ≥ 650: 5 tiket
  • ≥ 750: 6 tiket

Mangyaring tandaan ang mga sumusunod:

  • Ang FTT na itinaya ay isasama sa lahat ng iyong ftx.com na mga pangalawang account.
  • Ang iyong pinakamaraming bilang ng mga tiket ay mai-lock in batay sa halagang itinaya 24 oras bago ang Sale. Ipapahiwatig namin sa pahinang ito kung anong mga wakas na numero ilang oras pagkatapos noon.
  • Mangyaring maingat na suriin ang aming Mga Tuntunin ng Serbisyo, lalo na kung nauugnay ang mga ito sa aktibidad ng pangangalakal at pagsusumite ng KYC 

Mga Kundisyon

  • Ang lahat ng mga kalahok ay sumasang-ayon na sumunod sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng FTX.
  • Ang sinumang mga kalahok na napag-alamang lumalabag sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng FTX ay magiging diskwalipikado.
  • Inilalaan ng FTX ang karapatang baguhin ang Mga Tuntunin at Kundisyon ng Sale na ito nang walang paunang abiso.
  • Mahigpit na ipinagbabawal ang maramihang pagpasok mula sa iisang gumagamit at magreresulta ito sa diskwalipikasyon.
  • Mahigpit na ipinagbabawal ang mga residente ng US o residente ng anumang hurisdiksyon na pinaghihigpitan ng FTX.
  • Ang muling pagbebenta ng biniling INDI sa isang residente ng US o anumang pinaghihigpitang hurisdiksyon ay mahigpit na ipinagbabawal.

 

ANG INDIGG Sale AT $INDI NA MGA TOKEN AY HINDI INAALOK AT HINDI IAALOK SA ESTADOS UNIDOS O SA SINUMANG TAO SA U.S. (TULAD NG SINASAAD SA REGULASYON S NA IPINAPAHAYAG SA ILALIM NG U.S. SECURITIES ACT OF 1993, NA BINAGO).

 

Ano ang IndiGG?

Ang IndiGG ay ang India Sub-DAO ng YGG (Yield Guild Games) na binuo sa pakikipagtulungan sa Polygon Studios - Ang isang sangay ng paglalaro ng Polygon. Ang Indigg ay magiging samahan ng paglalaro ng India para bigyang kapangyarihan ang mga naglalaro gamit ang makabagong web3 na mekanika tulad ng Play-to-Earn.

 

Mga Tuntunin ng Token

Para sa higit pang mga detalye mangyaring hanapin sa ibaba:

https://indi.gg/

Kabuuang INDI: 1,000,000,000

Kabuuang INDI na Sale sa panahon ng FTX IEO: 12,000,000

Na-unlock pagkatapos ng IEO: Oo

Makipag-ugnayan sa suporta: https://ftx.com/support

Nakaraan
Susunod
4416589047956
Hindi mo ba nakita kung anong hinahanap mo?
Create a support ticket
Komunidad

Nakakatulong ba ang artikulong ito?

0 sa 0 ang nagsabing nakakatulong ito